^

Metro

Scholarship sa Taguig ginawang komprehensibo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng lungsod ng Taguig ang mas komprehensibo at mas pinaangat na scholarship program na maituturing sa buong bansa bilang pagkilala sa importansya ng edukasyon sa mga kabataan.

Matapos ang isang special session nitong Biyernes, Feb. 28, 2020, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 6, Series of 2020 kung saan ipagpapatuloy ang mga kasaluku­yang programa ng Taguig na nagbibigay suporta sa 55,000 scholars sa kolehiyo at 10,000 sa high school, at magdadagdag pa ng apat na bagong scholarship packages na sumusuporta naman sa mga atleta, mga estud­yante sa ilang piling larangan, at sa mga public servant at kanilang mga pamilya at dependent.

Kabilang sa bagong scholar­ship offerings ang Advan­cing Sports’ Competitiveness and Excellence (ASC Excellence) Scholarship Program,  unlimited scholarship sa mga estudyanteng kumukuha ng medisina, engineering at ibang field, scholarship program para sa mga Taguig public servant, at mga anak o dependents ng mga public servants ng Taguig.

Ang bagong ordinansa, na binansagang “Enhanced, Expanded, and Rationalized Taguig City Scholarship Programs,” ay bahaging inisyatibo ng lungsod upang bigyan ng mas pinalawig na scholarship programs at incentives sa secondary, college at post-graduate students, mga kumukuha ng technical-vocational o ladderized courses, ma­ging ang mga public servant na nais mag-aral locally at internationally.

Dahil sa administratibong Cayetano, nabigyan ng halaga na ang edukasyon ay susi sa progreso at human development at patuloy na uma­angat ito mula sa Taguig City scholarship program fund na  P5M noong 2010 ay ngayon ay nasa P700 milyon na ito.

Lagpas na sa 8,000 scho­lars ang ngayon ay mga degree holder na kasama na ang 25 na may doctorate degrees at 328 ang may masters degree. Kasama rito sa mga degree holder ang 2,691 licensed professionals na mga engineers, teachers, nurses, accountants, psychometricians, criminologists, lawyers, architects at medical doctors.

vuukle comment

SCHOLARSHIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with