^

Metro

QCPD umalerto sa mga rali

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakataas ngayon sa full alert status ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) bunsod sa paggunita at pagdiriwang ng Edsa People Power Revolution ngayon araw.

Ayon sa QCPD, mahigpit ang ginagawa nila ngayon ng  pagbabantay  sa apat na lugar sa kanilang nasasakupan na pagdarausan ng mga rali  ngayong araw.

Kabilang sa binabantayan ng QCPD na pagdarausan ng mga rali  ay ang Natio­nal Hou­sing Authority (NHA), Philippine Coconut Authority, ABS-CBN compound at Welcome Rotonda. 

Bukod sa protest activities ay magkakaroon din ng regular program para sa 34th anniversary ng  Edsa People Power Revolution.

Ang programa ay nabatid na magsisimula ng alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga motorista  na asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa People Power Monument sa EDSA kapag nagsimula na ang programa.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with