^

Metro

Oil price hike muling sisirit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oil price hike muling sisirit
Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa pagitan ng P.30-P.40 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina at kerosene.
STAR/KJ Rosales/File

MANILA, Philippines — Nagtapos na ang sunud-sunod na linggong rollback dahil sa inaasahang pagsirit sa presyo ng petrolyo sa darating na linggo.

Sa pagtataya ng mga oil industry experts, nasa pagitan ng P.30-P.40 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina at kerosene.

Magtataas din sa pres­yo ng diesel na gamit ng mga pampasaherong behikulo na tinatayang P.10- P.20 sentimos kada litro. 

Bago ito, ang umiiral na presyo ng petrolyo ay mula P42.87-P55.31 kada litro, habang ang diesel ay mula P35.50 -P42.02 kada litro.

Apat na magkasunod na nagkaroon ng rollback dahil sa pagbulusok sa presyo ng langis sa internasyunal na merkado dulot ng pagbaba ng demand sanhi ng takot sa COVID-19.

Noong nakaraang linggo, dagdag-bawas ang ipinatupad ng mga kompanya ng langis dahil sa pag-stable na ng suplay at demand sa langis.

vuukle comment

OIL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with