^

Metro

Binata timbog sa karnap na tricycle

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulu­ngan ang isang binata makaraang tangayin ang isang tricycle na sandali lamang ipinarada ng may-ari sa tapat ng isang convenience store kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Nakilala ang suspek na si Jhon Mark Mahayag, obrero, nakatira sa Blk 27, Lot 6, Phase 10-A, Package 2, Barangay 176 ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, ala-4 kama­kalawa ng hapon nang iparada ng biktimang si Paul Barreto, 32, ang kanyang tricycle sa tapat ng convenience store sa may Bagumbong Road, Brgy. 171 sa naturang lungsod ngunit wala na nang kanyang balikan. 

Agad niyang iniulat ito sa Police Community Precint 6. Nakakuha sila ng impormasyon na nakita ang tricycle sa may Brgy. 176 Bagong Silang kaya sila nagkasa ng follow-up operation dakong ala-1 kahapon ng madaling araw. 

Pagdating sa lugar, natiyempuhan nila ang suspek na sinasakyan ang nakaw na tricycle. Narekober sa suspek ang Honda TMX na may stainless sidecar at nang kapkapan ay nadiskubre sa posesyon niya ang isang pen gun na may isang bala.

vuukle comment

JHON MARK MAHAYAG

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with