^

Metro

Pulis itinumba sa loob ng restaurant sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis itinumba sa loob ng restaurant sa Maynila
Sa inisyal na imbestigas­yon, abala sa panonood ng telebisyon sa loob ng nasabing restaurant ang biktima nang biglang dumating ang dalawang lalaki at paulanan ito ng putok ng baril.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 47-anyos na pulis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang loob ng isang restaurant sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Staff Sergeant Roel Orihuela, residente ng P. Zapanta St., Singalong, Malate, Maynila.

Sa ulat ni P/Staff Master Sergeant Bernardo Cayab­yab, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi kamakalawa sa loob ng Arjurie Restaurant na matatagpuan sa Arellano Avenue corner Don Pedro St., Malate.

Sa inisyal na imbestigas­yon, abala sa panonood ng telebisyon sa loob ng nasabing restaurant ang biktima nang biglang dumating ang dalawang lalaki at paulanan ito ng putok ng baril.

Matapos bumulagta ang biktima ay nagmamadaling binalikan ng mga salarin ang isang motorsiklong ipinarada sa ‘di kalayuan at humarurot papalayo.

Sinaklolohan ng kapatid na si Ariel Orihuela ang duguang biktima at dinala sa Ospital ng Maynila kung saan idineklarang dead-on-arrival dahil sa rami ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, sa nakuhang impormasyon, ang biktima ay nare-assigned sa Min­danao at kaya lang umano nagtungo sa Maynila ay upang lakarin na maitalaga muli sa Maynila.

 Patuloy pang inaalam ang motibo sa krimen at nangangalap pa ng karag­dagang impormasyon para matukoy ang pagkilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

PATAY

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with