^

Metro

Kelot utas sa pamamaril sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sakay ng motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na nakasuot ng pulang ball cap na may tatak na “Triskellion”, asul na jacket, gray na short pants, at nakatsinelas.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:20 ng gabi nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa harap ng isang supermarket sa Langit Road, Phase 1 Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Alas-12:35 na ng madaling araw nang nakaresponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 3 kung saan malayang nakatakas na ang dalawang salarin lulan ng isang Nmax type na scooter.

Ayon sa isang nakasaksi, anim na beses na pinaputukan ng mga salarin ang biktima at tiniyak  na patay na ito.  Blangko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang dahil sa bihira naman umano ang away ng mga gang o fraternity sa lugar.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with