^

Metro

2 dayuhan huli sa P68 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 dayuhan huli sa P68 milyong shabu
Ang dalawang dayuhan na nadakip ng mga tauhan ng PDEA-NCR kung saan nasamsam sa mga ito ang may sampung kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyong piso.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines – Isang Nigerian at isang African national ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation at umaabot sa P68 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni  PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang dayuhan na sina  Lawrence Ikegwuruka, 37, Nigerian national at Michella Augustin Tsimaluto, 23, African national, ay naaresto pasado alas-10:00 ng umaga sa  Roces Avenue sa Barangay Paligsahan, Quezon City.

Ayon kay PDEA agent Freddie Banagao, nakatanggap sila ng ‘tip’ kaugnay sa malakihang pagbebenta umano ng ilegal na droga ng mga nabanggit na dayuhan kaya agad silang nagkasa ng buy-bust laban sa mga ito.

Isang ahente ang nakipag-negosasyon sa mga suspek at  tumayong buyer hanggang sa magkasundo na magkikita sa nasabing lugar, at habang nagkaka-abutan na ng shabu at pera ang magkabilang panig ay saka nagsilitawan ang mga nakakubling  PDEA agents at dinakma ang dalawang dayuhan.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon. Inaalam pa ng mga awtoridad kung anong sindikato kabilang ang dalawang dayuhan.

Mariin namang itinanggi ng dalawang dayuhan na kanila ang nakuhang droga.

Nakakulong ngayon sa PDEA headquarters ang dalawang dayuhan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with