^

Metro

Driver ng PUVs pinagsusuot ng face mask ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Driver ng PUVs pinagsusuot ng face mask ng LTFRB
Sa ipinalabas na memorandum order 2020-05 ng LTFRB, hinihikayat nito ang lahat ng PUV drivers na magsuot ng mask sa tuwing namamasada bilang bahagi ng pag-iingat sa nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV).
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga driver at operator ng lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa na magsuot ng mask sa tuwing papasada sa araw- araw.

Sa ipinalabas na memorandum order 2020-05 ng LTFRB, hinihikayat nito ang lahat ng PUV drivers na magsuot ng mask sa tuwing namamasada bilang bahagi ng pag-iingat  sa nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV).

Hiniling din ng LTFRB sa mga ito na palagiang mag-disinfect at gumamit ng sanitizer tuwing papasada, partikular sa mga public transportation terminals kung saan mara­ming tao.

Ang hakbang ay ipinalabas ng LTFRB bunga na rin ng pangambang makakuha ng naturang virus ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan dahil sa personal contact sa ibat- ibang mga pasahero na posibleng may sakit.

Inatasan din ng LTFRB ang lahat ng terminal operators na magbigay ng libreng face masks at disinfectants sa mga tao.

vuukle comment

FACEMASK

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with