^

Metro

Isko sa barangay execs: Magpapawis kayo!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Isko sa barangay execs: Magpapawis kayo!
Magiging mabisa umano ang pakiusap, konting papawis tulad ng regular na paglilinis sa barangay para pamarisan ng mga makakapansin at makokonsensiya.
The STAR/Alexis Romero, file

MANILA, Philippines — Nakiusap si Manila Mayor Isko Moreno sa mga opisyal ng barangay na magsimula sa simpleng pagbabago, magsakripisyo para itama ang mga maling nakagisnan para pamarisan ng nasasakupan.

“Magsimula tayo sa simple. Gawing malinis, maaliwalas at panatag ang Maynila. Tatamaan tayo ng konting sakripisyo, may babaguhin sa dating ginagawa. Hindi porke ang isang gawain ay nakagisnan na, eh tama na. Walang masamang sumubok ng kakaibang bagay,” anang alkalde nang pulungin ang mga opisyal ng barangay kamakailan.

Magiging mabisa umano ang pakiusap, konting papawis tulad ng regular na paglilinis sa barangay para pamarisan ng mga makakapansin at makokonsensiya.

“Pagkatapos ng laway-laway (pakiusap), pawis-pawis naman.  Gawin nating regular ang paglilinis sa barangay at baka mahiya ang kapitbahay dahil nakitang naglilinis si chairman, si secretary, si tanod,” ani Moreno.

Naniniwala si Moreno na kung ang nasa 10,000 barangay officials ay makikiisa sa layunin ng local na pamahalaan ay siguradong panalo ang bayan.

vuukle comment

ISKO MORENO

YORME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with