^

Metro

Babaeng pasahero ng LRT-1, tumalon sa riles, sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumalon ang isang 32-anyos na babaeng pa-sahero sa riles ng Light Rail Transit (LRT-1) sa bahagi ng Doroteo Jose Station sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Ito ang naging paglilinaw ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), taliwas sa mga naunang balita na   nahilo lamang kaya nahulog sa riles ang pasaherong babae habang papalapit ang northbound train sa nasabing istasyon.

Mabilis namang naka­pag-emergency break ang train operator kaya hindi na­sagasaan ang nasabing pasahero.

Sinaklolohan siya ng  mga tauhan ng LRT-1 at di­nala sa Jose Reyes Memorial Medical center (JRMMC) at inilipat sa Medical Center Manila para sumailalim sa x-ray, ultrasound at CT scan dahil sa tinamong head lacerations at gasgas sa mukha.

Naging dahilan naman ito upang maantala ang mga biyahe matapos suspendihin sa loob ng 24 na minuto ang operasyon.

Naganap ang insidente alas-6:45 ng umaga at alas- 7:09 nang ibalik sa normal na operasyon ang mga biyahe sa LRT-1.

vuukle comment

LRT1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with