^

Metro

Chinese tumalon sa nasusunog na condo, dedo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese tumalon sa nasusunog na condo, dedo
Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Ser Siong Wang, solong okupante ng Unit-E 8th Floor Legaspi Towers 300, na matatagpuan sa 2600 Roxas Boulevard corner P.Ocampo St. Malate. Nagtamo ng traumatic brain injury at abdominal injury, bukod pa sa pagkabali ng kanang paa ang biktima.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 64-anyos na Chinese national matapos tumalon mula sa ika-8 palapag ng nasusunog na condomi­nium unit, kamakalawa ng gabi, sa Malate, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Ser Siong Wang, solong okupante ng Unit-E 8th Floor Legaspi Towers 300, na matatagpuan sa 2600 Roxas Boulevard corner P.Ocampo St. Malate.  Nagtamo ng traumatic brain injury at abdominal injury, bukod pa sa pagkabali ng kanang paa ang biktima.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 9, dakong alas-5:30 ng hapon noong Sabado nang magsimula ang apoy sa unit umano ng biktima.

Pinangunahan ni Manila Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Senior Supt. Rodolfo Denaga ang mga bumbero at mga fire volunteers sa pag-apula ng apoy na idineklarang fire under control dakong alas-7:40 ng gabi at fire-out naman dakong alas-9:01ng gabi.

Nang umapoy umano ang unit ng biktima ay nagtungo ito sa terrace at tumalon upang iwasan ang apoy subalit bumagsak siya sa terrace ng ika-4 na palapag na bali ang paa at bumubula ang bibig habang walang malay.

Isinugod sa naturang pagamutan ang biktima ngunit idineklarang patay.

Hanggang kahapon ng hapon, (Linggo), ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pagtukoy sa  sanhi ng sunog at kung magkano ang napinsalang ari-arian.

vuukle comment

BFP

RODOLFO DENAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with