^

Metro

Tone-toneladang basura, nahakot sa Traslacion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tone-toneladang basura, nahakot sa Traslacion
Sa kabila ng babala sa pag-akyat sa steel frame ng Ayala Bridge, hindi naman napaawat ang ilang deboto sa kabila na may nakapaikot na rito na barbwire.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines – Tone-toneladang basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ruta ng prusisyon ng Itim na Nazareno at sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon.

Sa datos ng MMDA, alas-2 pa lang ng hapon ay nakakolek­ta na sila ng 17 trak ng basura at inaasahan na aakyat pa ang bilang kapag natapos na ang prusisyon.  Karamihan sa mga nahakot na mga basura ay mga pinagbalutan ng mga pagkain, bote ng tubig, styrofoam at iba pang pinagbalatan.

Dinadala ang mga nakolektang basura sa Pier 18 sa Maynila para doon dalhin sa mga landfill.

“Nakaposisyon ang ating mga tauhan sa dulo ng prusis­yon para agad na makolekta ang mga naiiwan na mga basura. Katulong naman nila ang mga dump truck buhat sa Manila City government,” ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim.

Tinatayang nasa 1,000 tauhan ng MMDA ang itinalaga sa Maynila para sa Traslacion at mananatili sa kanilang mga puwesto hanggang sa matapos ang prusisyon.

“Mananatili ang aming mga tauhan sa kanilang mga assignments hanggang sa makarating ang Itim na Nazarero sa Quiapo Church at hanggang sa makolekta na lahat ng basura na iniwan ng mga deboto,”dagdag ni Lim.

vuukle comment

TRASLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with