^

Metro

SSS contribution payments, puwede na ngayon sa PayMaya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SSS contribution payments, puwede na ngayon sa PayMaya
Sa mga walang card, maaaring mag sign- up ang SSS members sa PayMaya account sa pamamagitan ng pag- download sa PayMaya app sa kanilang Android devices at gamitin ang mobile number na nasa kanilang account kung magbabayad via SSS mobile app.
SSS Facebook Page

MANILA, Philippines — Maaari na ngayong makapagbayad ng kanilang kontribusyon sa  Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito sa mas mabilis na paraan sa pamamagitan ng  digital financial services leader PayMaya, ang bagong mobile app. ng ahensiya

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, ang SSS members maging ang self-employed, voluntary at  Overseas Filipino Workers (OFW) ay maaaring magbayad ng kontribusyon gamit ang PayMaya account o ng alinmang Visa, Mastercard, JCB credit, debit, o prepaid card.

Sa mga darating na araw, ang PayMaya  ay tatanggap na rin ng employer’s contributions (regular at household) at salary loan payments.

Ayon kay SSS President at CEO  Aurora C. Ignacio, ang PayMaya ay isa sa  85 accredited collecting at paying partners ng  SSS, 35 dito ay pawang mga Real-Time Processing of Contributions (RTPC) system compliant.

Sa mga walang  card, maaaring mag sign- up ang SSS members sa  PayMaya account sa pamamagitan ng pag- download sa PayMaya app  sa kanilang  Android devices at gamitin ang mobile number  na nasa kanilang account kung magbabayad via SSS mobile app.

vuukle comment

PAYMAYA

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with