^

Metro

Operasyon ng 6 bagong diesel railcars ng PNR, nagsimula na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsimula nang bumiyahe kahapon ang anim na bagong Diesel Multiple Unit (DMU) railcars ng Philippine National Railways (PNR) mula sa Indonesia kaya’t makakaasa na ang mga pasahero nito ng mas maraming biyahe sa metro line ng naturang rail line.

Sina DOTr Secretary Arthur Tugade at PNR General Manager Junn Magno ang nanguna sa paglulunsad ng mga bagong train sets, na layunin nitong makapag-accommodate ng 13,500 ka­ragdagang pasahero araw-araw, sanhi upang umakyat na ang  total capacity ng PNR mula 60,000 hanggang 73,500 pasahero kada araw.

Ayon sa PNR, bawat bagong rail cars ay kayang magkarga ng 250 pasahero, kaya’t ang bawat train set ay kayang magsakay ng 750 pasahero kada biyahe.

Nabatid na ang anim na brand new DMU train cars, na gawa ng Indonesian firm na PT-INKA, at bubuo ng dalawang train sets na may tig-tatlong railcars, ay inaasahang makakapagdagdag ng mula 18 hanggang 20 biyahe kada araw, sa assigned routes nito mula Tutuban (Manila) hanggang FTI (Taguig City) at mula Malabon hanggang FTI.

Iniulat pa ni Magno na ang pagdating ng dalawang bagong train set ay mas maaga sa orihinal na iskedyul na dapat ay Pebrero 2020 pa.Samantala, pinuri naman ni Tugade ang PNR sa aktibong pagsusumikap upang mapahusay ang operasyon ng kanang operasyon at serbisyo.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with