^

Metro

6 tiklo sa P5.4 milyon shabu sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
6 tiklo sa P5.4 milyon shabu sa Pasay
Nakumpiska sa anim ang 10 knot tied plastic sachet at isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang timbangan, tatlong botelya na naglalaman ng hindi pa mabatid na mga uri ng tabletas, pitong bundle ng hindi pa nagagamit na medium plastic sachet, isang notebook at P3,560 halaga ng pera.
The STAR/ File

PASAY, Philippines — Arestado ang anim na lalaki na umano’y miyembro ng isang sindikato ng ilegal na droga nang masakote ng mga otoridad at makumpiskahan ng higit sa P5-milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa tapat ng Senate building sa Pasay City, kahapon ng hapon.

Himas-rehas na ngayon ang mga natimbog na suspek na sina Nasrip Aiman, 25, ng Calamba City, Laguna; Rakiin Benito, 40, ng Sta. Rosa, Laguna; Noe Ababa, 30, ng Libon, Albay; Abdul Didagon, 25, ng Sta. Lucia, Pampanga; Florando Capistrano, 20, ng Bagong Silang, Caloocan City at Erickson Alueta, 36, ng Maligaya Park, Caloocan City.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-2:30 ng hapon nang ikasa ang operasyon sa may tapat ng Senate Bldg., sa may JW Diokno Blvd., Brgy. 76 ng naturang lungsod. Nasabat ng mga pulis ang mga suspek habang sakay ng isang sports utility vehicle (SUV).

Ang operasyon ay resulta ng ikinasang ‘casing’ ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PCapt Deni Mari Pedrozo laban sa suspek na si Aiman.

Nakumpiska sa anim ang 10 knot tied plastic sachet at isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang timbangan, tatlong botelya na naglalaman ng hindi pa mabatid na mga uri ng tabletas, pitong bundle ng hindi pa nagagamit na medium plastic sachet, isang notebook at P3,560 halaga ng pera.

Nabatid na aabot sa 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga P5.4 milyon ang nakumpiska sa anim na suspek.  Dinala na ito sa Southern Police District Crime Laboratory para sa kaukulang pag-analisa..

vuukle comment

ABDUL DIDAGON

ILEGAL NA DROGA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with