^

Metro

Kapakanan ng mga kabataan prayoridad ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kapakanan ng mga kabataan prayoridad ni Mayor Joy Belmonte
Sa kanyang unang State of the City’s Children Report kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month, ibinahagi niya ang resulta ng ginanap na Childrens summit na dinaluhan ng may 500 kabataan mula sa mga paaralan at komunidad kasama ng child-focused organization para sa pagbuo ng agenda ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan partikular na ang pagkakaloob ng educational assistance sa mga kabataang may kapansanan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Prayoridad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglaan ng iba’t-ibang mga serbisyo ng lokal na manganga­laga sa kapakanan ng mga kabataan sa lunsod.

Sa kanyang unang State of the City’s Children Report kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month, ibinahagi niya ang resulta ng ginanap na Childrens summit na dinaluhan ng  may 500 kabataan mula sa mga paaralan at komunidad kasama ng child-focused organization para sa pagbuo ng agenda ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataan partikular na ang pagkakaloob ng educational assistance sa mga kabataang may kapansanan.

Ilan sa mga nagpa­tingkad sa mga programa ni Belmonte para sa mga kabataan ay ang pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon, pagkalinga sa mga batang naaapi, pagkakaloob ng shelter sa mga batang lansangan at pagkakaloob ng mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa mga paaralan tulad ng mga libro at iba pang mga babasahing makakatulong sa kanilang pag aaral, paghadlang sa malnutrisyon at pangangalaga sa kanilang kalusugan. 

Bunga ng pagi­ging  child-friendly local govern­ment unit, ang Quezon City ay kinilala at tumanggap  ng Seal of Child-Friendly Local Governance mula sa Council for the Welfare of Children. 

Muli ring pinagtibay ng QC ang kasunduan sa pagitan ng Bantay Bata 163  para matulungan ang kapakanan at maipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga kabataan ng lunsod.

Matapos ang talumpati ay sinundan naman ito ng  children’s fair  sa iba’t-ibang  interactive learning booths at mga aktibidad para sa mga kabataan at matatanda kabilang na ang free tours at film showing.

Si Belmonte na isang ina ay naging advocate na sa karapatan ng mga kabataan noon pa mang Vice Mayor siya ng lunsod.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with