^

Metro

Lola nilooban, pinatay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lola nilooban, pinatay
Umaalingasaw na ang bangkay ni Lourdes Eusebia, alyas Evelyn Baesa, residente ng Leon Guinto St., Malate nang matagpuan dakong alas- 2:30 ng hapon.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang pinatay muna saka pinagnakawan ang isang 70-anyos na lola nang matagpuan ang bangkay nito, kamakalawa ng hapon sa Malate, Manila.

Umaalingasaw na ang bangkay ni Lourdes Eusebia, alyas Evelyn Baesa, residente ng Leon Guinto St., Malate nang matagpuan dakong alas- 2:30 ng hapon.

Ayon kay P/MSgt. Mario Asilo, imbestigador ng Manila Police District-homicide, namamaga na ang katawan  Eusebia dahil sa mga sugat.

Hinala ng pulisya, may dalawang araw nang patay ang biktima.

Magulo umano ang loob ng bahay ng biktima na hinalang hinalughog ng suspek.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya upang malaman kung binaril o sinaksak ang biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng suspek.

vuukle comment

LOURDES EUSEBIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with