^

Metro

'Biggest this year': P2.52 bilyong halaga ng shabu nasabat sa Tsino sa Makati

James Relativo - Philstar.com
'Biggest this year': P2.52 bilyong halaga ng shabu nasabat sa Tsino sa Makati
Kinumpirma rin ni Banac na ito na ang pinakamalaking halaga ng droga na natimbog ng PNP ngayong 2019.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Pinapurihan ni Philipine National Police office-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang matagumpay na buy-bust operation na inilunsad ng pulisya na nagresulta sa pagkakakumpiska sa P2.522 bilyon halaga ng iligal na droga.

Pasado 11:45 p.m. ng ika-26 ng Nobyembre nang puntiryahin ng mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group ang isang high-value target sa Banoyo St, Brgy San Antonio, Makati City.

Arestado rin sa eksena ang suspek na si Liu Chao, isang Tsino, na nakuhanan ng 371 kilo ng shabu.

Sa panayam ng Philstar.com, sinabi ni PNP spokesperson Bernard Banac na hawak ng PDEG ang suspek at for inquest na ngayong araw.

Una nang isiniwalat ni Bise Presidente Leni Robredo, dating co-chair ng Anti-Illegal Drugs, na nagmumula sa Tsina ang kalakhan ng suplay ng droga sa Pilipinas.

"Kahit na 'yung mga nahuhuling nag-ooperate sa Pilipinas, karamihan sa kanila Tsino o Filipino-Chinese nationals. Kaya dapat natin 'yang tignan," sabi ni Robredo sa Inggles.

Tsina rin ang itinuturong pinakamalaking nagpapasok ng narcostics sa bansa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency noong 2018.

Nagsasagawa na sa ngayon ng follow-up investigation upang malaman ang lawak ng network ng suspek at nang mahuli ang iba pa niyang mga kasabwat.

Kinumpirma rin ni Banac na ito na ang pinakamalaking halaga ng droga na natimbog ng PNP ngayong 2019. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

vuukle comment

CHINA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHABU

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with