^

Metro

Bawal na uling magtinda Isko uminit ang ulo sa mga ‘burarang’ vendor sa Divisoria

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bawal na uling magtinda Isko uminit ang ulo sa mga �burarang� vendor sa Divisoria
Ang mga trak ng basura at mga stalls ng vendors na winasak sa Ilaya St. sa Divisoria na muling pinawalis ni Mayor Isko Moreno dahil sa nadatnang tam-bak na namang basura sa lugar.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi naitago ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang galit at pagkadismaya nang madatnan ang tambak ng mga basura sa kahabaan ng Ilaya St. sa Divisoria kahapon ng umaga.

Kahapon ay nasorpresa si Moreno nang makitang nakatiwangwang ang mga basura mula araw at gabi na pinabayaan ng mga manininda.

Dahil dito, hindi na papayagan ang mga vendors sa Ilaya St. (Binondo side) na makapagtinda at lalagyan na ng 24/7 na magbabantay  upang matiyak na walang makakapuwesto.

Kinompronta ni Moreno ang mga vendors at ilang pulis na umano’y nagpa­baya sa lugar lalo na nga’t pinapayagan ang pag­ti­tinda sa kondisyon na pa­na­natilihing malinis ang kanilang  mga lugar.

“Hindi ba kayo nahihiya dyan o talagang baboy din kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sor­presahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh,” ani Moreno.

Ayon kay Moreno, tinutulungan niya ang mga vendors mula sa kamay ng mga mapang-abusong indibiduwal subalit mismong ang mga ito ang ayaw makipagtulungan sa pa-mahalaan.

Nilinaw din ni Moreno na wala naman silang inalis o binalik na vendors simula ng kanyang panunungkulan. Inayos lamang nila ang hanay ng mga vendors  upang may madaanan ang mga sasakyan at mamimili.

Pinayuhan din ni More­no ang mga illegal orga­ni­­zers ng nakaraang admi­nistrasyon na ibalik ang pera ng mga vendors na ka­­nilang pinangakuan na makapagtitinda lalo na nga-yong Christmas season.

“Manigas kayo! Mga abusado kayo. Mapanlin­lang! Ang kaya niyong lin­langin, mga maliliit na tao. Matiyempuhan ko lang kayo. Iba na. Maniwala kayo sa akin. Talagang hin­di pala kayo makuha sa diplomas­ya,” ani Moreno.

vuukle comment

BASURA

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with