^

Metro

P1.3 milyong shabu huli sa 5 babaeng ‘tulak’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Aabot sa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakum-piska ng magkasanib na tauhan ng Pasay City Police at Cubao Police Station sa limang drug suspek kabilang ang isang dalagita sa loob ng isang malaking shopping mall sa lungsod ng Pasay kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Andre Mojica, 22, call center agent,; Nicole Yamson, 21, estudyante; Jerica Dayao, 26; Tina Balbino, 33, at ang 17-anyos na itinago sa alyas na Erica.

Sa ulat ng Pasay City Police, nakipagkoordinas­yon sa kanila ang Cubao Police Station ng Quezon City Police District (QCPD) para magkasa ng ope­­ras­yon sa hinahabol nilang grupo ng mga drug pusher nang itakda ang kanilang transaksyon sa isang mall na nasasakupan ng lungsod ng Pasay. Alas-6:40 ng gabi nang isagawa ang operasyon at magkabentahan  malapit sa entrance ng mall. 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang tanggapin ang may P200,000 halaga ng boodle money kabilang ang dalang pirasong P1,000 bills na marked money.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang marked money bilang ebidensya, dalawang medium sized na plastic ice bag at siyam na maliit na plastic sachet na naglalaman ng nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu at may halagang P1,360,000; at dalawang mobile phones na gamit nila sa pakikipagtransaksyon.
Dinala na ang mga suspek sa Cubao Police Station 7 headquarters at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with