^

Metro

Trader sugatan sa ambush ng riders

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masuwerteng nakaligtas ang isang 54-anyos na negosyante na tinambangan ng riding in tandem at isa pang solo rider sa panulukan ng C.M Recto at Rizal Avenues, Sta.Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Apat na tama ng bala ang tinamo sa ulo at katawan ng biktimang kinilalang si Pedro  Nolledo, residente ng Group 1, Payatas, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 11, dakong alas- 5:45 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa biktima sa nasabing lugar, na sakop ng Binondo.

Minamaneho ng biktima ang Mitsubishi L-300 van kasama ang live-in partner na si Cherry Cabaldo, 26, nang biglang lapitan at paputukan ng mga lalaking sakay ng dalawang motorsiklo bago humarurot sa west bound ng C.M Recto.

Sumubsob sa manibela ang driver na duguan umano ang ulo kaya isinugod sa  Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Inaalam pa ang posibleng dahilan sa pananambang na ayon sa live-in partner ng biktima ay wala namang nakaaway, maliban sa nakagalit umano nito noong nakalipas na buwan ang isang dating kinakasama.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with