^

Metro

2 huli sa droga, baril, bala at pampasabog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 huli sa droga, baril, bala at pampasabog
Kinilala ni Quezon City Police District director, P/Col. Ronnie Montejo ang dalawa na sina Abdullah Mangco, alyas Junray, 37, ng Cubao at Joseph Christian Alban, 38, ng Brgy. Batasan Hills, sa Que­zon City.
Miguel De Guzman

Buy-bust sa apartelle

MANILA, Philippines – Huli ng mga awtoridad ang dalawang lalaki at nakumpiskahan ng droga, baril, mga bala at pampasabog sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartelle sa Quezon City, kahapon ng madaling araw. 

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Col. Ronnie Montejo ang dalawa na sina Abdullah Mangco, alyas Junray, 37, ng Cubao at Joseph Christian Alban, 38, ng Brgy. Batasan Hills, sa Que­zon City.

Naaresto ang dalawa ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS 9) sa Room 210 ng Central Apartelle na makikita sa 12th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sinabi ni PS 9 commander P/Lt. Col.Cipriano Galanida, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot ng dalawang suspek sa lugar kaya isinagawa ang buy-bust operation.

Isang ‘undercover operatives’ ang positibong nakabili ng dalawang gramo ng droga sa dalawa at aktong inaabot ang bawal na gamot ay doon sila pinosasan. 

Nakuha sa mga suspek ang 8 transapent plastic sachet na naglalaman ng shabu, digital weighing scale, cellphone na ginagamit drug transaction, buy-bust money, dalawang unlicensed cal. 9mm pistol,  magazine loaded ng mga bala at Mongo ammunition o pampasabog.

vuukle comment

GUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with