^

Metro

Mas maagang operasyon ng LRT-2 simula bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas aagahan na ang partial operation ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) simula sa Lunes.

Ayon sa LRTA, simula bukas ang Cubao papuntang Recto sa Maynila ay magsisimula ng alas-5 imbes na alas-6 ng umaga at ang hu­ling trip nito mula Cubao ay gagawing alas-8:30 at ang buhat sa Recto ay gagawing alas-9 ng gabi.

Kasabay nito, sinabi pa ng LRTA na maaaring mapaaga ang pagbabalik ng ‘full operation’ ng LRT-2. 

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, base sa huling usapan nila ng mga opisyal ng kanilang engineering department, posibleng maibalik nila sa normal ang biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan lamang.

Mas maikli ito kumpara sa unang pagtaya ng LRTA na posibleng abutin ng siyam na buwan ang gagawing pagkukumpuni sa nasirang rectifier ng LRT-2 sa Katipunan, Quezon City.

Paliwanag ni Cabrera, pinag-aaralan na kasi umano nila ngayon ang posibilidad na palitan na lamang ang napinsalang bahagi, sa halip na palitan ang buong rectifier.

Gayunman, depende pa rin aniya ito sa magiging resulta ng isinasagawa nilang assessment hinggil sa naganap na pinsala ng kanilang pasilidad.

Matatandaang may limang araw na natigil ang operasyon ng linya ng LRT-2 matapos na masunog ang kanilang rectifier substation, na nasa pagitan ng Anonas at Katipunan Stations, na nagresulta sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Martes nang makapagpatupad ng partial operations ang LRT-2 mula Cubao Station hanggang Recto Station lamang habang nananatili namang wala pang biyahe mula Anonas hanggang Santolan Stations, dahil sa bagsak na signaling system at power supply.

Isinasantabi na ng LRTA ang anggulong arson o tero­rismo ang sanhi ng sunog, at sinabing posibleng tinamaan ng kidlat ang rectifier, na nagresulta sa pagsiklab ng apoy doon.

Ang LRT-2, na nagsisilbi sa may 220,000 commuters araw-araw, ang siyang nagdudugtong sa Recto, Maynila at Santolan, Pasig City.

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with