^

Metro

35 Chinese sex workers nasagip sa ‘sex den’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
35 Chinese sex workers nasagip sa �sex den�
Si Makati City Police Col. Rogelio Simon nang inspeksiyunin ang nasamsam na mga ebidensiya sa isinagawang raid sa isang sex den sa nabanggit na lungsod kung saan higit sa 30 Chinese sex workers ang nasagip.
Miguel De Guzman

Nasa 35 mga babaeng Chinese nationals na nagsisilbing sex workers ng mga kapwa nila Tsinong kostumer ang nasagip ng mga tauhan ng Makati City Police sa ginawang pagsalakay sa isa na namang sex den, kama­kalawa ng gabi.

Nabatid na alas-11 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Branch at Women’s and Children’s Desk ang Maxx Hotel na nasa Makati Avenue sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Sinabi ni Makati City Police chief, P/Col. Rogelio Simon na nakumpirma nila sa kanilang intelligence g­athering ang ‘prostitusyon’ sa naturang lugar kung saan pawang mga Chinese workers din ang target na kostumer.

Pinasok ng mga pulis ang ikasiyam at ikasampung palapag at penthouse ng gusali kung saan naabutan ang 35 mga babaeng Chinese sex workers, 21 mga kostumer na Chinese at 10 Pilipinong empleyado.

Natagpuan din ang iba’t ibang klaseng sex toys, mga sexy costumes, sex paraphernalia, tally board at libro kung saan inililista ang kanilang transaksyon.

Patuloy namang inaalam ng mga pulis kung sino ang operator ng naturang sex den upang mapanagot. Hihilingin din ng pulisya sa Pamahalaang Lungsod ng Makati na tuluyang ipasara ang establisimento dahil sa iligal na aktibidad.

Sinabi ni Simon na ito na ang ikaapat na pagsalakay nila sa mga sex den na pinatatakbo ng mga sindikato ng Tsino. Ito ay makaraan din ang pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Makati at mga karatig-lungsod.

Dinala na ang mga ina­restong suspek sa Makati City Police Headquarters at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Person Act of 2012.

vuukle comment

SEX DEN

WOMEN’S AND CHILDREN’S DESK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with