^

Metro

Binata nadulas lasog sa truck

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 45-anyos na binata matapos na magulu­ngan ng trailer truck makaraang madulas sa kalsada sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Nursery, Masbate City, Masbate kamakalawa ng umaga.

Agad nasawi dahil sa ma­tinding pinsala sa katawan sanhi ng pagkakasagasa ang biktimang si Jonathan Biel Estrella ng nasabing barangay.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng trak na si George Espares, 50, ng Brgy. Bagumbayan. Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga, naglalakad ang biktima nang madulas at gumulong siya sa kalsada.

Sa kamalasan, eksaktong padaan ang Isuzu trailer truck (TUE-449) na minamaneho ni Espares na kargado ng cons­truction materials.

Hindi na nakaiwas ang trak kaya nasagasaan ang biktima ng hulihang gulong nito dahilan para agad siyang nasawi sa insidente.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with