^

Metro

Magdyowa timbog sa P.2 million droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Mahigit P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa mag-dyowa na hinihinalang bigtime drug dealers na kumukuha umano ng kanilang suplay ng droga sa Bilibid kasunod ng ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Navotas, Laoag City, Ilocos Norte noong Linggo. Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel Amador Quiocho ang mga suspek na sina Arthur Felipe Jr., 38, at live-in partner na si Maricris Agsalud, 48.

Nasamsam sa operasyon sa bahay ng mag-live in sa Ca­batingan Housing Project ang 9 na malalaking sachet ng shabu, buy-bust money, sari-saring drug paraphernalia at cellphone na naglalaman ng kanilang drug transactions.

Ayon kay Quiocho, miyembro ng malaking drug group ang magsing-irog na kumukuha ng kanilang supply na droga mula sa isang drug convict sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City na si Julius Damaso. 

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with