^

Metro

Star City isinantabi ang anggulong ‘arson’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Star City isinantabi ang anggulong �arson�
Nagbuo naman ang BFP ng Task Force para tumutok sa imbestigasyon sa naturang sunog. Nagtungo kahapon ang binuong grupo sa fire site para kumolekta ng mga ebidensya sa kanilang pagsusuri.
Drone shot ng ABS CBN

MANILA, Philippines – Walang kaugnayan ang nag-viral na tweet na “Star City is dying” sa naganap na pagkasunog ng sikat na amusement park kaya walang dahilan para masabing sinadya ang insidente, ayon sa tagapagsalita ng Star City.

Ito ay makaraang isantabi ni Star City spokesperson Rudolph Jularbal ang anggulo ng Bureau of Fire Protection (BFP) na posibleng may naganap na arson sa insidente dahil sa naturang tweet sa social media platform na Twitter at ang napansin nila na magkakasabay na pagsiklab ng apoy sa magkakaibang lugar sa amusement park.

Ayon kay Jularbal, ang “Star City is dying” tweet na ginawa ng Twitter username na “12 Designs” na isang 12-taong gulang na bata ay patungkol sa gawa-gawang lungsod na tinitirhan ng DC superhero na si Green Arrow.

Agad namang binura ni 12 Designs ang naturang tweet nang ma-search niya sa Google ang pagkasunog ng Star City dahil sa pangamba na baka isisi sa kanya ito at masabing siya ang nagbigay ng prediksyon.
Nagbuo naman ang BFP ng Task Force para tumutok sa imbestigasyon sa naturang sunog.  Nagtungo kahapon ang binuong grupo sa fire site para kumolekta ng mga ebidensya sa kanilang pagsusuri.

Samantala, tinataya naman na aabot sa P1 bilyon ang halaga ng natupok na ari-arian sa Star City.  Malayo ito sa P15 milyon na inisyal na pagtataya ng BFP.

Nabatid na lahat ng indoor rides at iba pang atraksyon ang nasunog habang hindi naman apektado ang mga outdoor rides nila. 

Hindi rin naapektuhan ng sunog ang mga FM radio station na Love Radio, Yes FM at Easy Rock habang napilitan na mag-ere sa kanilang tanggapan sa Ortigas Center ang DZRH. 

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with