^

Metro

PUV modernization tuloy-DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kahit ilang welga pa

MANILA, Philippines – Kahit ilang welga pa o nationwide transport strike ang isasagawa ay hindi magpapatinag ang pamahalaang Duterte sa layunin nitong tuluyan nang gawing moderno ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

 Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, napapanahon nang maipatupad ang modernisasyon ng transportasyon sa bansa.

 Tiniyak din ni Tugade na hindi patitinag ang pamahalaan sa anumang pagtutol laban sa naturang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

 Sinabi ni Tugade, marami nang admi­nistrasyon ang nagtangkang ipatupad ang naturang modernisasyon ngunit hindi natutuloy tuwing may mga grupong nagpapahayag nang pagtutol dito.

Aniya pa, ngayon lamang  nagkaroon ng administrasyon na desididong maipatupad ang naturang modernization program.

Siniguro rin naman ni Tugade na wala silang planong pigilan ang sinuman sa pagpapahayag ng kanilang karapatan gaya nang pagdaraos ng transport strikes, ngunit binalaan ang mga naturang grupo na huwag apakan ang karapatan ng ibang tao at ikonsidera ang kabutihan ng nakararami o common good.

Ipinaliwanag din ng kalihim na ang layu­nin ng PUV Modernization Program ay magkaroon ng ligtas, roadworthy, convenient, at environment-friendly na public transportation ang mga commuters, at mapaangat ang buhay ng mga driver at operators ng mga PUV.

Matatandaang nitong Lunes, naglunsad ng nationwide transport strike ang ilang transport group sa bansa, sanhi upang maparalisa ang biyahe, maistranded ang mga commuters, at magkansela ng klase ang ilang lugar sa bansa.

 

vuukle comment

PUV MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with