Drug den sinalakay, 6 timbog
MANILA, Philippines — Swak sa selda ang anim na drug suspects matapos na salakayin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Himas-rehas na ngayon sina Sander Maulapat, 21; Lester Pintac, 23; Terryboy Afable, 22; Felix Talisic, 21; Jesus Tupas, 42; at Raymond Sequito, 28, pawang residente ng Brgy. Bagong Pag-asa.
Armado ng search warrant ang mga otoridad nang salakayin at halughugin ang umano’y drug den at informal settlers compound sa Agham Rd, Brgy. Bagong Pag-asa dakong alas-6:20 ng gabi.
Nabatid na target ng search warrant si Maulapat na umano’y nagsisilbing maintainer ng drug den.
Kabilang sa narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang may 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, at drug paraphernalia.
- Latest