^

Metro

5 estudyante sugatan, nabundol ng kotse ng Nigerian

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang limang estudyante makaraang mabundol ng kotse na minamaneho ng isang Nigerian sa Las Pinas City.

Nahaharap ngayon sa Multiple Counts ng Physical Injuries at Damage to Properties ang suspek na si Jeorge Ouli, 41.

Isinugod naman sa Las Piñas Doctors Hospital at nasa maayos nang kalagayan ang mga biktimang sina Michelle Diaz; Mae Zosimo; Warren Malanan; John Christian Martine at Rizza Enriquez, pawang  1st year college students sa Dr. Felimon Aguilar Industrial Technology.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Dhalia at Ever­lasting Streets sa Brgy. Pamplona 3. Nabatid na naglalakad sa naturang lugar ang mga estudyante nang bigla silang bundulin ng isang Honda Civic na minamaneho ng dayuhan na sinasabing nawalan ng kontrol.

Natumbok rin ng kotse ang isang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng kalsada.
 

vuukle comment

NIGERIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with