^

Metro

Pamangkin tigok sa saksak ni tiyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang sadistang mister ang napatay ng kanyang tiyuhin matapos saksakin nang ‘di maawat sa pang-aaway at pananakit nito sa kanyang misis naganap sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Egie Villamin Asuncion, 27, construction worker, at residente ng No.40 Joan Arc St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Ang suspek na tiyuhin ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang krimen na ngayon ay tugis na ng mga pulis ay si Jimuel Ulag Sadidul, 41.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:05 ng gabi nag-away umano ang biktima at ang misis nito na si Rona Jane sa loob ng kanilang tahanan.

Dito ay gumitna ang tiyuhin at inawat ang mag-asawa sa pag-aaway pero sa halip na huminto ang biktima ay mas lalong nagalit at pinaghahampas pa nito ang kaniyang misis kaya napilitan ang suspek na saksakin nito ang biktima sa ilalim ng kili-kili.

Naisugod pa ang biktima sa Novaliches General Hospital subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

 

vuukle comment

TIYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with