^

Metro

2 market operators sa Maynila binigyan ng ultimatum

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 market operators sa Maynila binigyan ng ultimatum
Sa kanyang panawagan, sinabi ni Moreno na dapat ayusin ng mga palengke ang kanilang obligasyon sa lungsod matapos ang isinagawang joint venture ni dating Manila Mayor Joseph Estrada.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Binigyan ni Manila Mayor Isko Moreno ng 72 oras ang XRC Mall Developers, Inc. at Marketlife Management and Leasing Corporation, ang dalawang  operator ng limang palengke sa lungsod upang bayaran ang kani-kanilang mga utang na aabot sa P25.549 milyon.

Sa  kanyang panawagan, sinabi ni Moreno na dapat  ayusin ng mga palengke ang kanilang obligasyon sa lungsod matapos ang isinagawang joint venture ni dating Manila Mayor Joseph Estrada.

Kabilang dito ang Sta. Ana Market, San Andres Market at  Sampaloc Market na may bayarin na tig P3,924,000.00; Trabajo Market, P2,616,000.00  at Quinta Market, P11,161,750.00.

Sinabi ni Moreno na dapat ay may Guaranteed Annual Revenue Share ang  lungsod sa Sta. Ana Market, San  Andres Market, at Sampaloc Market na tig-P1.5 milyon habang P1 milyon sa Trabajo Market at P6 milyon naman sa Quinta Market.

Ayon kay Moreno, hindi tama  na inoobliga at halos  sapilitan ang paniningil ng mga developer sa mga vendor na nakapuwesto samantalang hindi nila tinutupad ang kanilang kasunduan at obligasyon sa city government.

Nabatid sa report ng City Treasurers Office na hindi nagbayad ang mga nasabing palengke sa loob ng dalawang taon o mula Hulyo 2017 hanggang Hulyo 2019.

Dagdag pa ng Alkalde na kailangan na makita niya  sa kanyang mesa ang tseke ng dalawang private sector matapos ang 72 oras o gumawa ng kasulatan sa kontrata.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with