^

Metro

No.1 most wanted sa Makati, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
No.1 most wanted sa Makati, timbog
Kinilala ang nadakip na suspek na si Eugene Aquino, alyas “Jumong”, binata, nakatira sa No. 54 Acacia St., Brgy. Cembo, ng naturang lungsod.

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang No.1 most wanted sa lungsod ng Makati na isang tattoo artist sa kasong panggagahasa at tangkang pagpatay sa isang transgender na kanyang kustomer noong Disyembre 2018.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Eugene Aquino, alyas “Jumong”, binata, nakatira sa No. 54 Acacia St., Brgy. Cembo, ng naturang lungsod.

Nadakip si Aquino ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section sa isang bahay sa No. 128 San Miguel St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Hindi na nakapalag ang suspek nang ihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Ethel Mercado-Gutay ng Makati City Regional Trial Court Branch 137 sa kasong Rape at Frustrated Homicide.  Itinakda ang piyansa niya sa halagang P120,000.

Sa rekord, ginahasa at pinagsasaksak ng suspek ang isang transgender na itinago sa pangalang “Anastacia” sa kanyang bahay noong Disyembre 26.  Tinatatuan ng suspek ang biktima nang humiling umano si Aquino na magtalik sila kahit na bayaran pa niya ang biktima.

 Pumalag ang biktima hanggang sa puwersahan siyang itali at gahasain.  Nagawang makahulagpos sa pagkakatali ang biktima nang pumasok si Aquino sa banyo at humingi ng tulong sa kanilang balkonahe ngunit dito siya pinagsasaksak ng suspek na nasaksihan ng mga kapitbahay.

Kumalat naman ang larawan ng suspek sa social media nang i-post ito ng biktima na nagawang makaligtas sa sinapit niyang mga saksak sa katawan.

vuukle comment

RAPE

TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with