^

Metro

2 holdaper, bulagta sa shootout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang holdaper na nanlaban sa mga awtoridad sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr, ang isa sa nasawi sa pamamagitan ng ID na nakuha sa kanyang katawan na si Danny Diaz, 34 ng Sampaloc, Maynila habang ang isa pa ay alyas Freda,  David at Imer na sinasabing miyembro ng Batang City Jail.

Ayon sa report, dakong alas-3:00 ng madaling araw habang nagsasagawa ng  anti-criminality patrol ang mga awtoridad nang magsumbong sa kanila ang isang Richard Latoza tungkol sa  naganap na panghoholdap sa isang pampasaherong jeepney sa Payatas Road corner Majas St., Brgy. Payatas, Quezon City.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa tinukoy na lugar at naispatan ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Sinita ng pulisya ang dalawa pero agad na bumunot ng baril ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis, gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkasawi  ng mga suspek.

Nasamsam sa dalawang nasawi ang dalawang kalibre 38 baril, mga bala at isang Yamaha Soul motorcycle na walang plaka.

vuukle comment

ROBBER KILLED IN SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with