^

Metro

Bebot itinumba ng 2 ‘tulak’ sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 40-anyos na babae nang mala­pitang barilin ng dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng ile­gal na droga sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Amy Ignacio,  vendor at residente ng Building 22, Aroma Temporary Housing, Tondo.

Nakatakas naman ang sinasabing mga responsable sa pamamaril na kinilalang sina Edmar Boco, alyas Abigael, 19 at isang alyas Aries.

Sa ulat ni P/Chief Master Sergeant Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:50 ng gabi ng barilin ng mga suspek ang biktima sa loob ng Building 26 sa Aroma Temporary Housing.

Sa imbestigasyon, dala­wang kamag-anak ng biktima ang nagsabing nagpaputok sa ere si ­Aries habang kausap umano ang biktima na nagsalitang “Bakit ganoon Aries, nagpaputok ka alam mo naman na hindi na ako naggaganyan nagbago na ako…”.

At kasunod naman ang pagbunot ng baril ni Boco at malapitang pinatukan sa kaliwang sentido ang biktima.

Bago tuluyang tumakas ang dalawa ay pinaputukan pa muli ni Aries ang biktima.

Sa emergency room ay nakuha sa bulsa ng nasawi ang 6 na sachet ng shabu.

 

vuukle comment

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with