^

Metro

Suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagitang binalatan, nanindigang 'not guilty'

James Relativo - Philstar.com
Suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagitang binalatan, nanindigang 'not guilty'
Ayon sa kampo ni Renato Llenes, nais niyang maibaba mula "murder" patungong "homicide" ang kanyang kaso bago maghain ng guilty plea.
The FREEMAN/Aldo Nelbert Banaynal, File

MANILA, Philippines — Naghain ng "not guilty" plea ngayong Biyernes ang 43-anyos na suspek sa pagpaslang sa 16-anyos na dalagita sa Lapu-Lapu City Marso ngayong taon.

Ito'y kahit na una na siyang umamin sa pagpatay sa menor de edad nitong Abril.

Ayon sa kampo ni Renato Llenes, nais niyang maibaba mula "murder" patungong "homicide" ang kanyang kaso bago maghain ng guilty plea.

"That’s the only time that he will plead guilty," sabi ni Manuel Degollacion sa mga reporter bago basahan ng sakdal sa Regionmal Trial Court Branch 70.

(Doon pa lang siya maghahain ng "guilty" na sagot sa mga paratang.)

"The strategy is to make sure that the sentence to be imposed is lower degree. That’s the duty of the lawyer," dagdag ng abogado.

(Ang plano ay para mapababa ang ipapataw sa kanyang sintensya. 'Yan ang trabaho ng manananggol.)

Pagpatay hindi binawi

Hindi naman binawi ni Llenes ang naunang pahayag na napatay niya ang dalagita matapos pagsasaksakin.

Una nang sinabi ng suspek na nakipagkita siya sa babae matapos magkunwaring teenager sa Facebook sa likod ng pangalang "CJ Diaz."

Giit niya, napalapit sila matapos ang limang buwang pakikipag-usap online hanggang maging "magkarelasyon" ang dalawa.

"Gumamit ako ng dummy account sa Facebook para akitin siya. Lagi kaming magka-chat hanggang sa maging magnobyo't nobya kami sa Facebook," sabi ni Llenes sa ulat ng The FREEMAN sa Cebuano.

Nang magkita daw ang dalawa noong ika-10 ng Marso at malamang gumamit ng pekeng pagkikilanlan ang lalaki, nagsimula na raw mag-away ang dalawa, hanggang mauwi sa karumal-dumal na krimen ang eksena, sabi ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde.

Si Llenes ang ikalawang suspek na nasukot ng mga otoridad kaugnay ng kaso.

Una nang idiniin sa krimen ang 17-anyos na ex-boyfriend ng biktima, ngunit pinawalang sala di kalaunan.

vuukle comment

LAPU-LAPU CITY

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with