^

Metro

Tren ng LRT-1, nagkaaberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tren ng LRT-1, nagkaaberya
Nabatid na ang aberya ay natapat pa sa kasagsagan ng rush hour sa unang araw nang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa School Year 2019-2020.

MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) matapos na dumanas ng aber­ya ang isa sa mga tren nito sa area ng Maynila, kahapon.

Nabatid na ang aberya ay natapat pa sa kasagsagan ng rush hour sa unang araw nang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa School Year 2019-2020.

Batay sa advisory na inisyu ng LRT-1, dakong alas-7:59 ng umaga nang nagkaproblema ang isang tren nila sa bahagi ng Pedro Gil station southbound.

Dahil dito, napilitan silang magpatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren at makalipas ang ilang minuto ay pansamantala na ring itinigil ng LRT-1 ang operasyon ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt para maiayos ang depektibong light rail vehicle (LRV).

Kaagad namang nag-deploy ang LRT-1 ng mga technicians upang ayusin ang nagkaaberyang tren.

Nabatid na kaagad din namang naayos ang nagkaaber­yang tren at pagsapit ng alas-8:19 ng umaga ay naibalik na rin sa normal ang biyahe ng naturang mass rail system.

Hindi naman maiwasang humaba ang pila ng mga pasahero ng LRT-1 na bumibiyahe mula sa Roosevelt Ave­nue sa Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City at vice versa.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with