^

Metro

Bebot nagpuslit ng shabu sa preso, tiklo

Marc Jayson Cayabyab - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Jailmates na ngayon ang isang mag-live-in partner nang masakote ang isang babae sa ipupuslit sanang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P.1-milyon na itinago sa secret pocket ng kanyang bag nang dumalaw sa kanyang nakapiit na partner sa Navotas City jail, nitong Biyernes.

Himas-rehas na rin nga­yon ang suspek na si Avegail Umali, nasa hustong gulang, matapos mabigong maipuslit ang droga na para sa nakakulong na si Reginal Jacobe.

Ayon sa ulat, hindi umano mapakali ang suspek nang dumaan sa pag-iinspeksyon ng mga otoridad kung saan mahigpit nitong hawak ang kanyang bag.

Nang suriing mabuti ang nilalaman ng bag ay dito na nakita ng mga otoridad ang nakatagong shabu sa loob ng isang secret pocket.

Nahaharap na nga­yon sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with