^

Metro

‘Oplan Harabas’ ng PDEA: 89 drivers positibo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Oplan Harabas� ng PDEA: 89 drivers positibo sa droga
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang resulta ng drug test na kanilang inianunsyo kahapon ay mula sa isinagawang drug test sa kinuhang mga urine sample sa kabuuang 5,009 drivers sa mga pangunahaing container terminals sa bansa.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 89 mga tsuper kabilang ang 49 container truck drivers ang nagpositibo sa paggamit ng droga sa isinagawang serye ng sorpresang drug test  sa ilalim ng ‘Oplan Harabas’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga pantalan sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang resulta ng drug test na kanilang inianunsyo  kahapon ay mula sa isinagawang drug test sa kinuhang mga urine sample sa kabuuang 5,009 drivers sa mga pangunahaing container terminals sa bansa.

Kabilang dito ang Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Tondo, Manila at Port of Manila, South Harbor, Port Area, Manila.

 “This is the first time that PDEA conducted drug test on truck drivers,” pahayag ni Aquino base sa inilunsad na Oplan Harabas ipinatupad ng ahensya ang ‘Oplan Harabas ‘sa pakikipagkoordinasyon sa iba pang mga ahensya ng gob­yerno upang matuldukan ang problema sa illegal na droga sa bansa, mai-promote ang drug free sa iba’t ibang mga opisina at maiwasan ang kapahamakan ng mga pasahero.

Ipinag-utos ni Aquino ang drug–screening sa mga truck drivers sa mga pantalan sa bansa dahilan sa nagmamaneho ang mga ito ng malala­king behikulo at mahaba ang kanilang mga biyahe.

“There is a prevailing practice of drug use among the driving population to stay awake for long trips,” ani Aquino.

Inihayag ni Aquino na sinumang driver na magpositibo sa drug test sa isinasagawang confirmatory test ay kukumpiskahin ang mga driver’s license ng Land Transportation Office (LTO)   kung saan ang clearance ay magmumula sa PDEA.  

vuukle comment

OPLAN HARABAS

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with