^

Metro

Seguridad sa MRT, LRT at PNR higpitan pa –DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa MRT, LRT at PNR  higpitan pa �DOTr
Ayon sa DOTr, hindi dapat ipinagwawalang-bahala ang ganitong mga kaganapan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga tauhan.

MANILA, Philippines — Iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3, Light Rail Transit Line 1 & 2 at Philippine Railways  na higpitan  pa ang ipinatutupad na seguridad sa istasyon ng kanilang mga tren matapos ang pagkakaaresto sa isang pasahero na nakumpiskahan ng mga bala ng baril sa North Avenue Station sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa DOTr, hindi dapat ipinagwawalang-bahala ang ganitong mga kaganapan para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga tauhan.

Nauna rito, inaresto ng mga pulis sa southbound ng naturang istasyon ng tren si Don Ray Adina, 36, matapos na ma-detect ng baggage scanner, na may dala itong mga bala sa kanyang dalang backpack.

Nang inspeksiyunin ang bag ng suspek ay nakumpiska ng mga guwardiya ang isang magazine at walong piraso ng 10mm live ammunitions.

Si Adina ay nasa kustodiya na ng Philippine National Police Regional Mobile Force Battalion (PNP-RMFB) at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code o gun ban.

“The DOTr MRT-3 assures the public that the incident will not be taken lightly.  Strict security measures will continue to be implemented across MRT-3 trains and stations for the safety and security of passengers,” pagtiyak pa ng DOTr.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with