^

Metro

AWOL na parak na wanted sa murder, timbog

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
AWOL na parak na wanted sa murder, timbog
Kinilala ni NCRPO director P/Major General Guillermo Eleazar ang nadakip na si ex-Patrolman Elias Gamboa, 45, dating nakatalaga sa Meisic Police Station, Station 11, Manila Police District (MPD) at naka­tira sa Concepcion East Zaragoza, Nueva Ecija.

MANILA, Philippines — Isang nag-AWOL na pulis, na sangkot sa pagpaslang sa tiyahin ni Efren “Bata” Reyes ang inaresto nang pinagsanib na pwersa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Regional Intelligence Division (RID), Regio­nal Drug Enforcement Unit (RDEU) at Olo-ngapo City Police sa ikinasang manhunt ope­ration  nitong Lunes  sa naturang lungsod.

Kinilala ni NCRPO director P/Major General Guillermo Eleazar ang nadakip na si ex-Patrolman Elias Gamboa, 45, dating nakatalaga sa Meisic Police Station, Station 11, Manila Police District  (MPD) at naka­tira sa Concepcion East  Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon kay Eleazar,  alas-11:00 ng umaga noong Lunes nang madakip ang dating pulis sa West Bajac Bajac, Olongapo City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Tita Bughao Alisuag, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1, National Capital Judicial Region, Manila  dahil sa kasong murder.  Walang inirekomendang piyansa ang korte sa nasabing kaso.

Base sa rekord ng pulisya, si Gamboa ay isa sa itinuturing na most wanted person at may patong sa ulo na    P145,000.00.

Nabatid, na si Gam­boa umano ang respon­sable sa pagpa­tay kay Victoria T. Pangilinan, alyas Nanay, 60 noong Marso 20, 2005 sa May­nila. Labingsiyam na ulit na sinaksak ng dating pulis ang biktima matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ang nasabing biktima ay tiyahin ng tina­guriang hari ng bilyar sa Pilipinas na si Bata Reyes.

Nabatid na nagtago sa iba’t ibang lugar si Gamboa hanggang sa matunton ang pinaglulunggaan nito.

vuukle comment

CRIME

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with