^

Metro

MNLF at tiyuhin, huli sa P1.1-M droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang aktibong miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tiyuhin nito ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang sunud-sunod na drug operations kung saan nakuhanan ang mga ito ng nasa P1.1 milyong halaga ng droga sa Quezon City, nabatid kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen Joselito Esquivel Jr. ang mga naarestong suspek na sina Bismar Sabtula Nadduha, alyas Best, 25, miyembro ng MNLF, at kanyang tiyuhin na si Jinsir Abduhaddi Jhol, 40, kapwa ng Sta. Catalina, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Esquivel, ang pagkaaresto sa magtiyuhin ay bunga nang naunang anti-drug operation na nagresulta sa pagkaaresto sa mga drug suspects na sina Nemia Castillo at Marites dela Cruz.

 Sinabi ni Esquivel na nang maaresto sina Castillo at Dela Cruz ay ibinunyag ng mga ito na ang magtiyuhin ang kanilang pinagkukunan ng shabu. 

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang tinatayang 150 gramo ng shabu, na may estimated street value na P1.1 milyon.

vuukle comment

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with