^

Metro

Mag-utol na Chinese tinodas sa condo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mag-utol na Chinese tinodas sa condo
Batay sa ulat ni P/MSgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong alas-12:25 ng madaling-araw nang madiskubre ang mga bangkay ng mga biktimang sina alyas Ivy, at kanyang kapatid na di agad natukoy ang pangalan, sa loob ng Unit 704 ng isang condominium sa Palanca Street, Quiapo.

MANILA, Philippines — Naliligo sa kanilang sariling dugo ang magkapatid na Chinese nang barilin sa ulo ng nobyo ng isa sa biktima na kalaunan ay nagpakamatay rin ilang oras matapos ang isinagawang krimen sa loob ng tinutuluyang condominium tower ng mga biktima sa Quiapo, Manila, kahapon ng madaling.

Batay sa ulat ni P/MSgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), dakong alas-12:25 ng madaling-araw nang madiskubre ang mga bangkay ng mga biktimang sina alyas  Ivy, at  kanyang kapatid na di agad natukoy ang pangalan, sa loob ng Unit 704 ng isang condominium sa Palanca Street, Quiapo.

Tumakas naman ngunit malaunan ay nagpatiwakal din ang suspek na si Qiu Shaojie, isa ring Chinese national, na umano’y nobyo ni Ivy, at sinasabing residente ng Blumentritt Street, Sta. Cruz, Manila.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na bago nadiskubre ang krimen, dakong alas-9:00 ng gabi ng Abril 15 ay tumawag pa si Ivy sa kaibigang si Zhirong Huang at nagsumbong dahil nagkakaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang nobyo, matapos umano niyang hiwalayan ito, ngunit hindi pumayag ang lalaki.

Matapos ang isang oras ay tinangka umano ni Huang na tawagan uli sa cell phone si Ivy, ngunit hindi na ito sumasagot sa kanyang tawag. 

Kinabahan si Huang at dakong  alas-11:50 ng gabi ay inutusan ang kanyang mga store helpers na sina Caisar Bagumbaran at Amerin Mahmod na magtungo sa tahanan ni Ivy upang alamin ang kalagayan nito.

Doon na natuklasan ang mga bangkay ng magkapatid.

Sa isinagawang pagsisiyasat naman sa mga kuha ng CCTV, natukoy ni Huang si Shaojie na siyang nobyo ni Ivy na nakaalitan nito, at posibleng siyang may kagagawan sa pagpatay.

Makalipas lamang ang ilang oras ay namataan si Shaojie ng mga nagpapatrulyang barangay tanod sa Rizal Avenue, kanto ng Remigio Street, habang nagtatangkang maglaslas ng pulso.

Ayon kay P/MSgt. Jorlan Taluban, ng MPD-CAPIS, isinugod ang suspek ng mga barangay tanod sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang malunasan, ngunit habang nasa emergency room ay tumakbo umano ang suspek patungo sa terasa ng ikalimang palapag ng pagamutan at tumalon, dakong alas-3:26 ng madaling araw.

vuukle comment

CHINESE SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with