Kasunduan sa disenteng pabahay, nilagdaan ni Joy B sa QC
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang isang kasunduan sa pagitan ng mga presidente ng iba’t- ibang homeowners’ association para sa pagsusulong ng disenteng pabahay at tiyak na paninirahan sa mahihirap na komunidad sa District 5 sa lungsod.
“We aim to address the issue of the housing backlog through affordable and safe housing for our people and it can be done. There are many private organizations that are willing to work with us towards sustainable development and inclusive growth because that’s the only way forward,” sabi Belmonte.
Kaugnay nito, pinangako ni Belmonte ang pagpapatupad ng iba’t ibang housing agenda sa distrito na layong protektahan ang mga informal settler families (ISF) doon. Ilan sa mga agenda ay ang pagkakaroon ng in-city relocation sa mga komunidad sa danger areas, socialized housing programs para sa on-site development, legal assistance sa mga lugar na ide-demolish, at ang pagpapriyoridad ng karapatan ng mga apektadong komunidad.
Kabilang din dito ang pagsasagawa ng maayos na proseso sa pagpili ng kinatawan sa Quezon City Local Housing Board, at ang pagkakaroon ng regular consultation sa pagbuo ng Quezon City Local Shelter Plan.
Binigyang-diin din Belmonte ang pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng epektibong paghahatid ng mahusay na serbisyo upang itaguyod ang kaunlaran ng buong QC.
- Latest