^

Metro

Joy B top choice pa rin sa survey

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Joy B top choice pa rin sa survey

Para sa pagka-alkalde ng Quezon City

MANILA, Philippines — Nangunguna at top choice pa rin sa puso ng nakarara­ming residente ng Quezon City para maging susunod na mayor nito si QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Batay sa pinakabagong survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc.), nakakuha si Belmonte ng 62 percent votes o mas mataas nang 26 percent kumpara sa mga kalaban niya na  sina Rep. Bingbong Crisologo na nakakuha lamang ng 36 percent votes at 1 percent naman ang nakuha ni dating Rep. Chuck Mathay.

Mahigit 8,000 rehistradong botante ang tinanong sa naturang survey na ginawa noong Abril 1 hanggang Abril 8 ngayong taon.

 Bunga nito, pinasalamatan ni  Belmonte ang kanyang mga tagasuporta dahil sa walang sawang pagtangkilik sa kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Quezon City.

“Nagpapasalamat po ako sa ating mga nasasakupan na patuloy na ipinagkatiwala nila sa akin at sa aking liderato ang kanilang suporta. Ikinalulugod ko ang survey dahil nangangahulugan ito na sang-ayon ang mga botante ng Quezon City sa aking plataporma na maghatid ng  inclusive growth para sa lahat sa lungsod,” pahayag ni Belmonte na tumatakbo bitbit ang slogan na “Kasama Ka Sa Pag-unlad.”

 Muli ding pinaalala ni Belmonte sa mga botante ang matalinong pagboto at  alamin muna ang background ng mga kandidato bago ito ihalal sa anumang puwesto sa gobyerno.

Sa nagdaang mga survey ng RPMD Inc noong Marso 1-10 sa Quezon City, tatlong beses na nailampaso ni Belmonte sina Crisologo at Mathay  RPMD Inc. Sa 3,500 voters, nakakuha si Belmonte ng 75 percent votes na mala­king lamang kay Crisologo na nakakuha lamang ng 24 percent votes habang si Mathay ay one  percent.

 Sa nagdaang February 1 hanggang 10 survey sa  2,500 respondents na tinanong kung sino ang nais na mamumo sa lungsod, nananatili si Belmonte sa top choice ng mga taga-Quezon City na may 72 percent na boto, 18 percent si Crisologo at 3 percent si Mathay.

Bago naganap ang  survey na ginawa ng RPMD Inc,  nailampaso na  ni Belmonte si Crisologo sa ginawang survey na kinomisyon ng PUBLiCUS Asia Inc. noong November 16-20 may bilang na 1,800 registered voters sa kabuuan ng Metro Manila kung saan nakakuha si Belmonte ng 59 percent na malaking lamang kung ikukumpara sa 17 percent ni Crisologo.

 Sa mga natanong, sinabi nila na mas gusto nila ang mas batang lingkod bayan na may sapat na kakayahan at galing sa pamamahala sa lokalidad na tulad ni Belmonte.

Si Belmonte, ay nasa ikatlo at huling termino ngayon bilang Vice Mayor ng Quezon City na nagsasabing siya lamang ang tanging lingkod bayan na magbibigay ng tunay na pagbabago, pag-unlad at magbibigay sigla sa kabuhayan ng mga tagalungsod.

Idiniin ng mga tagalungsod na ang mahusay na pamamahala ni Belmonte sa Quezon City at pagpapatupad ng iba’t bang mga programa para sa kapakanan ng mga tagalunsod ang nagtulak sa kanila para gawing Number 1 si Belmonte sa kanilang puso.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with