^

Metro

CAP palalawakin ni Erap

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palalawakin pa ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP)  upang maiahon ang pamumuhay ng mga mahihirap na Manilenyo sa kanyang huling termino.

Layon ni Estrada na makapagbigay pa ng maliit na negosyo sa mga mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod.

Ani Estrada, nabibigyan ng pagka­kataon ang mga small entrepreneurs na pa­laguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni Estrada noong 2013 ang CAP na may capital  P5,000 hanggang P10,000.

Maliban sa CAP, nasa 20,000 beneficiaries na ang nabigyan ng educational assistance mula 2013-2019 na umaabot sa P90 million sa ilallim ng educational assistance program (EAP).

Giit ni Estrada, malaking tulong ang EAP dahil ito ang magbibigay inspirasyon sa mga estudyante na  magtapos ng pag-aaral at abutin ang kanilang pangarap.

Ang EAP ang tumutulong sa mga estud­yante upang makabili ng uniporme, notebooks at project sa school.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with