^

Metro

3 galamay ng ‘narco-pols’, ‘ninja cops’ arestado

Ludy Bermudo, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
3 galamay ng �narco-pols�, �ninja cops� arestado
Prinisinta ni NCRPO chief Major Gen. Guillermo Eleazar ang nasamsam na mga illegal drugs sa nadakip na miyembro ng ‘Pementera criminal group’ sa operasyon na isinagawa sa Maynila.
(Kuha ni Miguel De Guzman)

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo uma­nong miyembro ng isang drug syndicate,  na   konektado sa isang  local  ‘narco politician’  at sa ‘ninja cops’ matapos makumpiskahan ng nasa P3.5 million halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na ikinasa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ka­hapon ng madaling araw sa Maynila.

Kinilala ni NCRPO Director P/Major General Guillermo Eleazar ang mga suspect na sina Porferio Pementera , alyas Jon-Jon, 39, itinuturo umanong lider ng ‘Pementera Criminal Gang’, na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Maynila at lungsod Quezon; ang drug runner na si Orlando Naguinlin, alyas  Lando, 48 at barangay ta-nod na si Joseph Dela Cruz, 41, pawang mga taga-Zone 48, Sampaloc ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Eleazar, alas-12:45 kahapon ng mada-  ling araw nang ikasa nila ang isang buy-bust operation laban sa mga suspect sa   Algostro Building, Simoun St., Brgy 484, Zone 48, Sam­pa­loc, Manila. Katuwang ng NCRPO ang Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Manila Police District (MPD).

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na bumili ng droga at  nang magpositibo ay dito na dinakip   ang mga suspect.

Nakumpiska sa mga suspect ang 516 gramong shabu, na ang  street value ay nasa P3,508,800; 1 baril, 1 hand held radio at  drug paraphernalias.

Sabi ni Eleazar, ang mga suspect ay konektado sa local narco-politicians kabilang si Brgy. Kagawad Ronnie Labongray, na nasawi sa isang  police ope­ration noong Marso 28 ng taong kasalukuyan.

Konektado rin ang grupo sa high value target ninja cops na sangkot  sa  drug trading activities partikular  si Jolly Aliangan, na naka­kulong ngayon sa  City Jail.

vuukle comment

NARCO POLITICIAN

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with