^

Metro

Pulis na naningil nang pautang, pinalo ng bote ng alak sa ulo, kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kritikal na isinugod sa pagamutan ang isang pulis  makaraang paluin ng bote ng alak sa ulo ng isang obrero  na kaniyang sinisingil sa utang ng misis nito sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si PO3 Alexander Padre Acierto, 30, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at naninirahan sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ang suspek na agad namang nadakip ay nakilalang si Canuto Hernani Omamalin, 55 at residente ng Purok 4-A, Rambulan St., Brgy. Culiat, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. George Caculba ng CIDU-QCPD, dakong alas-8:00 ng gabi ay kinausap umano ng pulis ang suspek na bayaran na ang utang ng misis nito, subalit nagalit si Omamalin na noon ay lango sa alak.

Sa halip na magbayad ay dinampot ng suspek ang bote ng alak na kaniyang iniinom at biglang pinalo sa ulo ang  pulis.

Duguang bumagsak ang pulis at agad itong isinugod sa Quezon City General Hospital, habang ang suspek ay inaresto. Nahaharap ngayon sa kasong frustrated murder ang suspek.

vuukle comment

COP ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with