^

Metro

Aksidente sa SLEX: 1 patay, 5 sugatan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Aksidente sa SLEX: 1 patay, 5 sugatan
Nasawi noon din ang biktimang si Esmar Tolentino, 22, pahinante ng dumptruck matapos itong magtamo ng matin­ding pinasala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang pahinante habang lima pang katao ang sugatan nang mahulog ang isang dump truck at closed van sa  South Luzon Expressway(SLEX), Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Nasawi noon din ang biktimang si Esmar Tolentino, 22, pahinante ng dumptruck matapos itong magtamo ng matin­ding pinasala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman sa Ospital ng Muntinlupa ang sugatang  driver ng dump truck na si Edsel Ardona habang apat namang sakay ng van ang nasugatan na inaalam pa ang pangalan.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-6:35 kahapon ng umaga sa tulay ng Southbound lane ng Soldiers Hills,  SLEX, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nabatid, na minamaneho ni Ardona ang naturang dump truck na may kargang buhangin mula sa Angono, Rizal na dadalhin sana sa Calamba, Laguna.

Habang binabaybay nito ang naturang lugar ay nasalpok nito  ang nakaparadang closed van, na sakay ang apat na katao na kasalukuyan namang mga natutulog hanggang sabay na mahulog ang kanilang mga sasakyan sa malalim na bahagi ng SLEX.

Pasado alas-10:00 na nang umaga  nang maiahon  ang katawan ni Tolentino at  natagalan ang mga rescuers sa pagkuha dahil naipit ito sa nalaglag na truck, na kinailangan pang gamitan ng cutter ang truck para maputol at makuha  ang nasawing pahinante.

Ayon sa mga awtoridad ay posibleng nakatulog ang driver ng dump truck.

Kaagad namang dinala  ng mga rescue team sa nabanggit na ospital ang mga sugatang biktima.

SOUTH LUZON EXPRESSWAY ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with