^

Metro

Supplier ng party drugs sa MM, utas sa shootout

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Supplier ng party drugs sa MM, utas sa shootout
Ipinakita ni PDEA-Special Enforcement Service (SES) Director Levi Ortiz ang nasamsam na party drugs sa isinagawang operasyon sa Maynila kung saan napatay ang pinakamalaking dealer nito na si John Steven Pasion.
(Kuha ni Boy Santos )

2 artista regular na kliyente

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos na negosyante, na sina­sabing pinakamalaking supplier ng party drugs na ecstasy sa Metro Manila, ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang operasyon  sa isang condominium sa Sta. Cruz, Manila Lunes ng gabi, na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa babaeng kinakasama nito.

Batay sa ulat ng PDEA, nabatid na ang suspek na si John Steven Pasion, ay napatay dakong alas-10:30 ng gabi matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad, habang naaresto naman ang kanyang live-in partner na si Irene Mercado, alyas Sophie.

Nauna rito, armado ng arrest warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 106 Judge Angelene Mary Quimpo Sale, sina­lakay nang pinagsanib na puwersa ng PDEA-National Capital Region (NCR) sa pamumuno ni Director Joel Plaza at Director Levi Ortiz, ng  Special Enforcement Service (SES),at National Capital Regional Police Office-Drug Enforcement Unit (NCRPO-DEU) sa pangunguna naman ni P/Chief Insp. Freddie Mendoza, ang unit ni Pasion sa isang condominium, sa Tomas Mapua St., kanto ng Doroteo St..

Namataan naman ng mga awtoridad ang suspek habang nasa loob ng kanyang Toyota Fortuner sa 3rd level parking area at nagtatangkang tumakas, kaya’t tinangkang arestuhin ito.

Gayunman, sa halip na sumuko, nakipagbarilan ang suspek sa mga awtoridad ngunit natamaan siya ng bala sa dibdib.

Isinugod pa ang suspek sa Metropolitan Medical Center ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Naaresto naman si Mercado, na nasa loob ng SUV nang maganap ang engkuwentro.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Ortiz na si Pasion ay big-time sup­plier ng party drugs at shabu sa Metro Manila ngunit tila may nakapagtimbre sa suspek na sinusundan na siya ng mga awtoridad kaya’t ang ibang ‘stocks’ niya ay nailipat na sa ibang lugar.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistola; isang .9mm pistol; 15 tableta ng hinihinalang ecstasy na tinatayang nasa P30,000; 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P300,000; buy bust money; mga pakete ng suspected cocaine; at mga sachets ng suspected ecstasy capsule.

 May cellphone rin umano na nakuha mula sa suspek, na tinangka pa nitong sirain.

Sa nasabing cellphone ay nakarekober ang mga awtoridad ng mga text messages na nagpapakita ng umano’y drug transactions ng suspek.

Kabilang sa narekober mula sa cellphone ay ang palitan nito ng text messages sa dalawang artista na hindi muna pinangalanan ng PDEA na sinasabing kliyente ng suspek sa party drugs.

May mga ‘selfies’ din na nakita ang mga awtoridad sa cellphone na nagpapakita ng kanyang larawan na may mga ecs­tasy tablets na inangkat pa mula sa Netherlands, gayundin ay video kung saan tila drinoga umano nito ang isang babae gamit ang liquid ecstasy, at mga larawan ng natu­rang babae na kasama si Pasion kung saan tila walang malay ang babae habang nakahubo’t hubad.

 Hinala rin naman ng mga awtoridad na posibleng alam ng ama ni Pasion ang kanyang ilegal na aktibidad matapos na makakita ng text message nito na nagsasaad na, ‘Anak lagi kang mag-iingat at ‘wag ka nang magtangkang lumaban anak, maawa ka pagsisihan mo na ang pagkakamali mo, patawarin ka ng Diyos, God bless.’

vuukle comment

PARTY DRUGS

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with